The Saddest Line

Leave a comment

Tonight, I can write the saddest line
when the darkness devours all the light
while the lambent sun is deprived of its refulgence
losing all the trace of its existence.

Tonight, I can write the saddest line
when my life is tinted with only red,
tears flowing down, tasting like brine
sign of yearning while I bleed.

Tonight, I can write the saddest line
before all hopes are totally gone,
hopes for the future, yours and mine.
But you already left. I want to run.

Tonight, I can write the saddest line
as I immortalize the first year of your death,
my first year of utter lonesomeness,
remembering the memories we had shared.

Tonight, I can write the saddest line
as I extinguish the idea of my solitude,
before my plan of joining you, my love,
in our God’s arms is settled.

“I wish tonight were Yuletide again
when you, my love, were still around.”
As I write my saddest line tonight,
Elmo stares at me smilingly, then my life breaks down.

Eternity

Leave a comment

We are all alone in this black night
but the slight sheen of moon focused on the two of us,
you and I in an almost suggestively sexual pose,
your head perching on me, as if you wanted to doze.

My heart was beating fast, I felt so cold
Nervous, I didn’t want to lose your hold.
Then I tapped you slightly to take a glance of me,
and of the reality I would want you to see.

And when my teeth were honed like a pencil,
and the moonlight made my face appear paler,
you gave me an incredulous facial look
then an expression of amazement, but not anger.

Then my pristine fangs aimed at your cervix,
Two holes were born on the left side of your neck.
But you willingly gave in and your gore I reluctantly drank
I was actually glad, because you never shrank.

Blood rampageously dripping from my maw,
after I sucked it all from your long graceful neck,
I checked your status and looked if you’re still alive
I was just so happy, you had already died.

Moments passed and you had risen from the dead,
Stronger, colder, paler and fairer like me.
Now you and I were just one kind.
No one could tell that our love was blind.

Please forgive me for what I’ve made you turn into.
It’s just that I thoroughly love you.

And what could I really do,
when all I’ve ever wanted is eternity with you?

THE HUNTED HUNTER

Leave a comment

In this dark side of the mountain I was alone hunting.

Waiting for some deer to fall under my bait.

When no deer was allured, I started resting

Sitting under a tree, observing the satellite.

Under the silver moon, I saw you appear,

Still poised and dignified though you were running.

But all I could notice in you was just perfection

Perfection that was undeniably peerless and riveting.

Dressed in a white suit, you looked extremely gorgeous

Gracefully you leaped, as if you were dancing.

With your head held up high, you seemed courageous

Showing me that curvaceous smile, something stunning.

I ran after you, fearing that you would be gone,

Following the trail you had taken to go away

It was like enticing me to catch you, that if I did,

You, yourself would be the accolade.

Then time came, I lost track of you.

I witnessed your figure slowly fading away.

I got tired to pursue you and so decided to stop

That was when you completely vanished away.

I, who was once the hunter, am now the hunted.

Hunted by someone who, I am not sure, does exist.

Now I am uncertain whether it was really a person I saw,

Or just a product of my yearning for a bo.

Strayed

1 Comment

The blazing sun commences to hide itself behind the mountains

Foliaceous trees coruscate in the first rays of sunset

The emerging moon slowly becomes crescent

Coldness brought by the gushing wind makes me shiver in this umbrageous forest.

Yes. I am alone in this gloomy, undiscoverable part of the woods

Here in the forest where we are about to set foot and meet to elope

In the seventeenth night of the seventh month

Commemorating the supposed nth year of our poignant love.

While acquiescently waiting, I am having this abysmal reverie.

Under the silvery and almost moonlit night, you are kissing me.

We are in a state of pure bliss as if tomorrow will never come

Relinquishing the idea that there are no problems to surmount.

But so much time has lapsed and yet you have not arrived.

Would I just be waiting in vain and be deprived

Of the chance to meet with you and extol in the dusk?

I hope you’d come; I’ve loved you since time immemorial.

Every ecstasy has to end, every illusion has to suppress

By any means, either with willingness or by use of duress

This happiness that will hurt us in the very end

This phantasm that blinds us, just a masquerade.

I have known from the genesis that you will never come

Because of the fact that you are not really mine

I am just imagining that in this forest we are about to congregate

Expecting this wild fantasy to become a wonderful reality.

…So you failed to travel to reach this rendezvous of ours.

And I just made myself believe that you were lost in this twilit forest.

PAGTANGIS NG ISANG INA

Leave a comment

Ako si Lisa Kakan.
Pero ano naman sa’yo? Ano bang meron sa pangkaraniwan kong pangalan para pansinin mo? Hindi naman ako si Lady Gaga, Rihanna, Charice Pempengco at lalong hindi si Oprah!!
Oo nga pala. Hindi kita pinipilit na tunghayan ang aking kwento…pero kung isa kang mamamayang may pakialam, sige, may karapatan kang ituloy ito.
Isang mainit na hapon, narinig ko ang tsismosang magkumare, sina Aling Mameng at Aling Maria, na nag-uusap:
“Uso na pala ang rape rape ngayon,” umpisa ni Aling Mameng.

“Ala, oo nga mare! Biruin mo, gang rape pa. Mabuti nga’t dumarami na rin ang mga matatapang na lumalantad para magsampa ng kaso laban sa mga imoral na rapist na yan, mula nang mapanood natin ang pagdulog ng isang babae kamakailan lang sa tv,” sang-ayon naman ni Aling Maria.

“Natatakot nga ako para sa maganda at birhen kong anak na si Grace. Baka mamaya, magahasa rin sya. Pero wag naman sana. Mangyari e, ako na lang sana,” sabi ni ALing Mameng.

“Ay, ano ba yan mare? Matakot ka naman sa mga pinagsasasabi mo. Maawa ka naman sa rapist,” sagot ni Aling Maria. “Dyan ka na nga.”

Para sabihin ko sa’yo, yang rape na yan, matagal nang uso yan. Ngayon lang talaga may mga naglalakas-loob na lumantad at magsumbong sa mga awtoridad.
Ako? Isa ako sa libu-libong bumubuo sa populasyon ng mga nagahas. Pero sa tingin ko, sa lahat ng na-rape, isa ako sa mga naging pinakakawawa.
Minsan na rin akong dumaan sa estado ng pagiging maganda, kahali-halina at ang pagiging birhen tulad ni Grace. Pero lahat ng ‘yon, unti-unting nawala sa paglipas ng panahon at hindi lamang sa iisang pagkakataon.
Iba’t-ibang klaseng pang-aabuso ang naransan ko sa mga kamay ng mga mapang-aping tao. Inabuso nila ang kagandahan ko. Inalipusta ang pagkatao ko at ginamit ang katawan ko para sa kanilang pansariling interes. Lumipas ang panahon, umasiwa ang ganda ko. Ang dating malinis na birhen ay isa na ngayong basura. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang sakit…dahil patuloy pa rin nila akong ginagahasa.
Ilang beses akong sumigaw nang malakas. May mga hindi nakarinig. At may mga nagbingi-bingihan. Unti-unti nila akong kinakalbo. Pakiramdam ko, may cancer na ako. Unti-unting kumakalat ang pagkasira sa sistema ko. Unti-unti ring sinisemento ang katawan ko. Palibhasa ay maraming naniniwalang yun ang magiging gamot sa sakit na to.
Mula nang marinig ko ang pag-uusap nina Aling Mameng at Aling Maria, unti-unti na ulit akong nagkaroon ng lakas ng loob para dumulog at humanap ng hustisya. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako sigurado sa aking desisyon.
Natatakot akong mabigo muli sa ikalawang pagkakataon. Minsan na kasi akong humingi ng tulong.
Sa tingin mo, paano ako mananalo laban sa isang pulitiko?
Sa tingin mo, paano ako mananalo kung halos lahat ng taumbayan na ang kalaban ko?
Gusto kong lumaban.Gusto kong gumanti. Pero paano? Habang tumatagal, binabalot ng lakas ng loob ang kabuuan ko.
Pero sana…
sa muli kong pagsigaw…
sa muli kong paghingi ng tulong…
sana ay andyan ka…
sana marinig mo na ang pagtangis ko…
anak ko…
Inuulit ko, ako si Lisa Kakan. Pero sa ngayon, itago muna natin ang pagkatao ko sa pangalang KALIKASAN.

The Lover

Leave a comment

I loved.

I was taken for granted.

I got hurt.

I didn’t give up.

I loved.

I got maimed.

I expected.

I received no love in return.

I loved.

I got crazy.

I was numb.

I forgot about me.

I loved.

I was abandoned.

I awaited your comeback.

I waited in vain.

I loved.

I got deceived.

I still believed.

I was out of my mind.

I loved.

I gave my all.

I bled.

I was never sad.

I loved.

I was taken as a friend.

I failed.

But I survived.

I loved.

I was loved.

I failed.

I loved again.

Heart Disease (Part 2)

3 Comments

PART II.

Dala ng sobrang kasiyahan, tinanghali ng gising kinabukasan si Acer. Subalit pagmulat nya ng mata, hindi nya nakita si Ella. Hinalughog na nya ang buong bahay mula sa kusina hanggang sa ibang kwarto, mula sa terrace hanggang sa banyo. Pero, wala kahit anong bakas na magpapatunay na sa bahay nya tumuloy nang nagdaang gabi ang girlfriend nya. “Hindi kaya, panaginip lang ang lahat? Hindi panaginip ang lahat!” Napasigaw na talaga sya. Tinawagan na nya ito. Buti na lang sinagot kaagad. “The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.”

“Shit! Nakakaasar talaga.”

Sa tabi ng photograph nila sa ibabaw ng wooden table sa kanan ng kamang hinigaan nila kagabi, may note na iniwan si Ella para sa kanya. At ito ang sinasabi sa sulat:

I know you trust me. I know you love me. The way I trust and love you. And I know you’ll still be waiting for me, right? I just need 3 years, babes. Three years is fast, correct? I’ll be back after three years. I really hope you understand. I love you.

Siguro, nasa airport na ako kapag nabasa mo to. O baka nasa byahe na. I’m sorry I didn’t tell you. I love you.

Wala ng ligo, toothbrush at hilamos, nagbihis lang si Acer at dumerecho na sa direksyong tinahak ni Ella papuntang airport. Wala syang idea kung anong airport ang gagamitin ni Ella at kung anong bansa ang pupuntahan nya. Pero tinahak nya ang daan papuntang NAIA. “Bahala na nga.”

Mabilis na mabilis nyang pintakbo ang sasakyan nya. Kahit na makabangga sya ngayon, ayos lang, mahabol lang nya si Ella. Pinipigilan lang nyang lumuha ngayon. Pero hindi talaga nya kayang mawala sa buhay nya si Ella. “Three years? Nagbibiro ba sya? Ang tagal kaya nun!?” Mababaliw na ata sya sa pagsasalita nang mag-isa.

Sa kabila ng nakakaasar na traffic lights at traffic na rin mismo, maya-maya naman ay nakarating na sya sa airport. “May pa-please don’t leave me for a while pa syang nalalaman kahapon.  She’s so unfair. Sya pala itaong mang-iiwan sakin nang matagal. Asar naman,” nabanggit na let nya. Hindi talaga nya mapigilan ang pagbugso ng iba’t-ibang damdamin ngayon. Ngayong iiwan na sya ng pinakamamahal nya. Sa tatlong taong ikapag-iisa bya, hindi nya alam kung anong pwedeng mangyari. Wala syang ideya. Ngayon ngang paalis pa lang ang pinakamamahal nyang girlfriend, halos mabaliw na sya. Eh anu pa kung… “I don’t want to know what would happen to me…”

Mag-iisang oras na syang nagpapatakbo. Hindi nya alam kung anong oras pa sya makakarating. Maaabutan pa ba nya si Ella? Mapipigilan pa ba nyang umalis ito? At, tama bang sa NAIA sya pumunta? Litong-lito na sya. Gulong-gulo.

Makalipas pa ang ilang minuto, nakarating rin sya sa nasabing airport. Sa harapan ng entrance, “San po kayo, sir? Hindi po kayo maaari dito.”

“Hinahanap ko ang asawa ko. Padaan nga ako.” Maangas na sagot nya sa guard.

“Hindi po talaga kayo maaaring pumasok dito sir.”

“Bakit naman hindi? Yung ibang mga lahi nakakapasok dito, tapos akong Pilipino ay hindi? Ayos rin ang panuntunan nyo dito ah.”

“Sir, parte lang po ng trabaho ang ginagawa ko. Pasensya na po talaga.”

“Paano naman ako? ‘Parte ng buhay ko’ ang ipinunta ko dito?”

“Eh sir, pasensya na po talaga.”

“Makulit ka ah. Wala na akong pakialam.” Sabay tulak sa guard, pasok sa pinaka-lobby ng airport at libot ng paningin para hanapin si Ella.

Ipina-page na nya si Ella. Pero, walang senyales ni Ella. Walang bakas ng presensya nya. Pakiramdama nya nag-iisa sya sa mundong ito. Alien sa mundo na mga tao. He felt totally helpless and hopeless and at loss. Pakiramdam nya, wala syang pinagkaiba sa isang taong may ketong. He felt isolated.

Pero hindi.  Nagkamali sya. Dahil paglingon nya sa likod nya, nakita nya ang isang pamilyar na pigura. Subalit may kasama ito ngayon. Dalawang lalaking hindi pamilyar. Malalaki ang katawan. At tinatahak ng mga ito ang direksyon nya.

Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang maramdaman ngayon.

|i|t|u|t|u|l|o|y|

Heart Disease

2 Comments

PART I.

Alexander Lawrence Borromeo III ang buong pangalan nya. Beinte siyete anyos noong iwan ng kanyang girlfriend. Beinte-nwebe anyos noong iwan ng bait.

Nasa malayo pa lang si Acer, kitang-kita na nya ang maganda, makinis, at maputing mukha ng kanyang girlfriend na si Ella. Subalit wala sa mukha nito ang ngiting unang naka-akit sa kanya. Hindi tuloy nya maaninag ang mapuputing labi nito. Bagkos, nangingibabaw sa maliit na mukha ni Ella ang kalungkutan at pag-aalala.

“Hi, babes. Anong meron ngayon? Magkasama lang tayo kahapon ah. Miss mo na agad ako? Ulet? Agad?” tanung ni Acer kay Ella pagkababa nya ng kotse. Akmang hahalikan nya si Ella nang mag-iwas ito ng pisngi.

“May problema ba? Imikan mo naman ako. May nagawa ba akong mali?” tanung ulit nya habang pinagsasalikop ang kanilang mga kamay.

“O, sige. Alis na lang ulit ako. Mukhang hindi naman ako ang kailangan mo eh.” Kunwaring pagda-drama nya para tuluyan na nyang makuha ang attention ng problemadong girlfriend nya. Pinaghiwalay na nya ang mga kamay nila para sa pekeng pang-iiwan nya ngayon.

Nang tatalikod binawi muli ni Ella ang kanang kamay nya sabay sabing, “Don’t. Please don’t leave me for a while.”

“Okay,” matipid na sagot nya. “I will leave you . . . never.” At binigay nya ang matamis nyang ngiti.

“Thanks for loving me.” Humarap na nang tuluyan sa kanya si Ella at niyakap sya. Nang mahigpit. Waring nagpapahiwatig ng paglisan at tuluyan nang pumatak ang mala-kristal na luha ni Ella.

Natakot si Acer. Para sa kanilang dalawa. Mabilis syang humiwalay sa pagkakayakap nilang dalawa. “Ano’ng ibig sabihin nito?”

“Do you trust me, babes?” taimtim na tanong ni Ella kay Acer.

“Of course. I really do. Do you trust me?” balik-tanong nya kay Ella.

“Syempre naman.” “Then, bakit ayaw mo i-share sakin ang problema mo?”

“I thought you trust me!”

“And so did I! Kung alam mo lang kung gaano ako nag-aalala sayo. Sa atin.”

“I know. Pero, di ko kayang masabi sa’yo.”

“May ibang lalaki ba?” Tanong ni Acer. Kahit siya ay hindi makapaniwalang nabanggit nya ang mga salitang iyon. Mukhang mapait ang kinalabasan sa pagkakasabi nya pero puno ng emosyon lalo na ng pangamba…pangambang baka tama ang hula nya. “Bakit hindi ka makasagot? Siguro nga, may ibang lalaki ka na. May iba ka na bang mahal?”

“Hindi ka ba talaga sasagot?” Pinanatili nyang maging mahinahon ang boses nya. Pero sa loob, kumukulo na ang dugo nya. Gusto nyang pumatay. Para sa minamahal.

“Sige. Aalis na ako. Maging maligaya sana kayong dalawa.”

Sa pangalawang pagkakataon, pinigilan sya ni Ella. “Walang ibang lalaki sa puso ko kundi ikaw. Pwede bang huwag muna nating isipin ang problema ko ngayon. Gusto kitang makasama. Ngayong magdamag. Gusto ko, ikaw lang ang kasama ko. Bago ko man lang ipingit ang mata ko ngayon, gusto ko, ikaw ang huli kong makita.”

“Sige. Saan mo ba gusto pumunta ngayon?” “Ikaw ang bahala. Ikaw na ang pumili. Ang mahalag, magkasama tayo ngayon.”

“O sige.” “May isa lang akong request.”

“Ano yun?”

“Pwede bang sa inyo ako tumuloy ngayon?”

“Request? Ang bahay ko ay bahay mo na rin. Tandaan mo yan. Kaya nga binigyan kita ng duplicate key ko di ba?”

Habang nagmamaneho, nakasandal lang sa balikat ni Acer ang ulo ni Ella. Ang sarap ng ganung feeling. Parang ang tahimik, walang problema.

Dumerecho sila sa isang mamahaling restaurant, tumuloy sa isang amusement park at huling pinuntahan nila ang tinutuluyang bahay ni Acer sa Makati.

Kagaya ng maraming uhaw sa kaharutan, hindi napigilan ng dalawa ang bumigay sa hinihingi ng init ng katawan. First time nilang magtalik bilang magsyota. Si Acer ay may experience na, pero sa ibang babae. Ang panata naman ni Ella na hindi isusuko ang bataan hangga’t hindi kasal ay naputol na. Labis ang kasiyahang nadama ni Acer sa pangyayaring naganap sa pagitan nila ng gabing yaon. Isa lang ang pinoproblema nya. “Paano kapag nalaman ng papa mo? Paano kapag hindi mo nagustuhan ang resulta ng nangyari sa ating dalawa? Anong gagawin mo? Anong gagawin natin?”

“Huwag mo nang problemahin yan. Matulog na lang tayo. Good night. I love you, Alexander Lawrence Borromeo III.”

“I love you, too, Manibela Anne delos Santos. Tsup tsup. Mwah mwah.”

“Manibela ka jan. Adik! Good night.” At binigyan nya ng isa pang masigasig halik si Acer for the last time that night.

Nakatulog si Acer na labis-labis ang ngiti sa labi.

|i|t|u|t|u|l|o|y|

ONLINE CHRONICLE: THE TRUE LIES

Leave a comment

…a sad story

PART I.

September 12, 2009

“Sir, saan ang baba nyo?” tanung ng konduktor ng bus sakin.

Okay lang kung sa kalsada nyo ako ibaba, sagot ko sa konduktor pero sa isip ko lang. Sabay ngiti. Binabasa ko kasi ang City of Ashes ni Cassandra Clare that time. Paano, eh excited na akong matapos yun para mabasa ko na yung kasunod. Galing kasi ng kwento eh.

“Sa BSU lang po,” iritado pero at least, matinong sagot ko. Itinigil ko muna ang pagbabasa hanggang sa mai-abot na sakin yung bus ticket. Pagkatingin ng presyo ng pamasahe, sabay tago ko ng ticket sa bag ko.

Ilang minuto ang lumipas, at eto na naman ang konduktor para maningil ng pamasahe. Nag-abot agad ako ng “Ninoy” sa kanya. “Boss, wala po ba kayong barya?” tanung ng konduktor.

Ay, marami akong barya. Sa sobrang dami, yung buo na ang naibigay ko sayo,tulad ng kanina, sa isip ko lang yan sinabi dala ng kairitahan. Nyahahaha. “Wala po eh. Pasensya na po,” napakabait na sagot ko. Kung alam lang ng konduktor kung anung demonyong nananahan sa katawan ko. Hahaha. Hanap pa ng barya, aabutan din naman ako kaagad ng sukli. Hayz. Ang tao talaga.

“Para po.” Hindi ako yung nagsabi nyan. Akala nyo ha?! Yung kasuno kong dalawang taga-BSU. Hindi ko agad napansin na asa tapat na pala ako nung school. Second time ko lang kasing mapupuntahan yun ngayon eh. Kung hindi lang kailangan sa interview report para sa English. Tsk.

Hindi na ako nakasabay sa pagbaba dun sa dalawang estudyante. So, sigaw na rin ako. “Sa tabi lang po.” Sabay tayo at tuktok sa bubong nung bus. Aba, at ang mga hinayupak, ayaw ata akong ibaba ah.

“Para po…ulit,” mas malakas na ang sigaw ko. Nag-eenjoy ata ako ah.

“Para daw pre,”sigaw ng konduktor sa driver. “May isa pang estudyanteng naiwan,” sabay lapit ng konduktor sa direksyon ko.

“Magmadali ka nang bumaba,” utos nya sakin. Bumagal ang takbo ng bus pero mukhang walang planong itigil ng driver pansamantala ang pagmamaneho nya. Dagdag pa ang utos ng konduktor sakin. Bumukas ang pinto ng bus, pero hindi pa rin tumitigil. At walang sabi-sabi, lumundag na ako.

July 5, 2010

Magandang araw sa inyong lahat, lalo na sa mga kakilala kong makakabasa nito. Ako nga pala si… (Ayoko munang magsalita ng tapos. LMAO.) At ito ang buhay ko. Nyahaha.

O sige, sabihin ko na sayo ang totoo kong pangalan. Pero, ibubulong ko lang ha? Baka kasi marinig nung iba. O eto, bulong ko na. Ngayon alam mo na. Wag mong ipagkakalat ha?

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ko to isinusulat o kung para kanino. Basta, gusto ko lang. Ewan ko ba. May toyo na ata ang utak ko.

Sa buhay natin, marami tayong nakakasalamuhang tao. At sa mga nakakasalamuha nating iyon, andun ang ating mga kaibigan at mga kaaway. May ilang umaalis. Subalit hindi natin alam kung kelan sila lilisan ng lubusan. At mayroon din namang naiiwan. Kaibigan? Yun ang sabi ng iba. Ang sagot ko, alaala. Naks!

December 25, 2009

Malamig. Sobrang lamig. Subalit hindi lamig na dala ng simoy ng hanging Disyembre. Habang nagkakasiyahan sa labas ang mga pinsan ko, mag-isa ako sa kwarto. Naiinggit sa kasiyahan ng iba sa araw na ito.

(Katok sa pinto.)

“Tuloy po inay,” sagot ko sa lola ko.

“Kamusta na ang lagay mo?” tanong nya.

“Mas mababa na po ang lagnat ko ngayon kumpara kahapon. Kung kelan naman pasko. Hayz. Taun-taon na lang eh.” Sagot ko.

“Oh sya, inumin mo muna yung gamot. Para maibaba ko na rin sa kusina ang mga pinagkainan mo.”

“Sige po,” sabay inom ng gamot.

Pagkalabas nya ng pinto, isang luha ang bumagsak mula sa kanan kong mata. Dati kasi, natatakot akong maiwan ng aking pamilya mag-isa. Hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay ng ganoon. Ngayon naman, hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa bawat isa sa kanila. Gulong-gulo ako. Papa-misa ba ako? Papa-disko? O, papa-liga ng basketball?

Sa huling pagkakataon, sumilip ako sa bintana. Pinagmasdan ang kaguluhan sa labas ng bahay. Natutuwa sa mga ngiting naka-plaster sa bawat mukha ng taong nakikita ko. At mas maraming luha. Sumakit bigla ang ulo ko. And, everything went black…

Nakatulog pala ako.

to be continued.. :)

Fairy Tale…

2 Comments

“And the prince and the princess lived happily ever after…” pagtatapos ni Katrina sa kwento nya. Isinarado nya ang aklat na hawak at ibinalik sa bookshelf na kinalalagyan.

“Tita, more stories please. Di pa naman ako inaantok eh.” pagmamakaawa ni Fefe, ang paborito nyang pamangkin, at nag-beautiful eyes pa.

“Sorry kiddo. But my prince is waiting for me. Konti na lang at I’ll be living happily with him.”

“Uy si tita, lumalandi na.” Tukso ni Fefe.

Nagulat si Katrina sa narinig mula sa pamangkin nya. “Anong lumalandi na?! Saan mo naman natututunan ang mga salitang tulad niyan? Ke-bata-bata mo pa, Fefe. Baka mauna ka pang mag-asawa sakin, ha? ”

Natatawa na lang si Fefe. “Basta tita, tell me another story bukas ha?”

“Oo na. Sige na. Labas ka na muna, maghanda lang ako. Tsupi. Tsupi.”

“Okay tita. Good night na rin. Bye.” At tuluyan nang naiwang mag-isa si Katrina sa kwarto nya. Nagpalit ng damit, naglagay ng konting make-up. Ilang minuto pagkatapos nyang mag-ayos, tumawag na ang maid nila.

“Ma’am, may naghahanap po sa inyo.”

“Okay, sige. Susunod na lang ako.”

Tulad ng inaasahan, dumating na nga ang prince charming nya. Si Angelo. Gwapo pero walang ngiti sa kanyang mga labi. Ngunit hindi na sya nagtataka, dahil lagi naman itong seryoso. Kapag nagpatawa si Angelo, nangako si Katrina na magpapamisa sya.

Pagkakita ni Angelo sa kanya, sabay itong tumayo at lumapit sa kanya, upang kunin ang kanyang mga kamay.

“Tara.” Pagyayaya ni Angelo kay Katrina.

Dumeretso na silang dalawa sa kotse. “San mo gustong pumunta?” tanung ni Angelo

“Ewan ko. Ikaw na ang bahala. Kahit nga dito lang eh okay na ako. Basta magkasama tayo.” Sagot ni Katrina.

“Okay. Sige.” Walang kaemosyong-emosyong sagot ni Angelo. At tuluyan na nilang nilisan ang lugar ni Katrina.

Unang dinaanan nila ang isang pamilyar na park. Yung paborito nya. Dun sila unang nagkita ni Angelo habang ipinapasyal nya si Katrina. Tahimik pa rin silang dalawa. Bababa sana si Katrina para malibot ang lugar. Hindi naman madilim ang lugar. Punung-puno kasi ng ilaw. Ang ganda. Subalit pinigilan sya ni Angelo, mahigpit sya nitong hinwakan at umiling lang. Hindi naman sya nagreklamo. Nagtataka sya sa ipinapakita nito ngayon, pero hindi muna sya nagkomento. Ayaw nyang magsalita ng tapos.

Pagka-alis nila ng park, pumunta naman sila sa isang hospital. Ang pangalawang beses nilang pagkikita. Dito kasi sya naka-duty. Noong student nurse pa sya. Kasama ni Angelo ang isang kaibigan noon.

Ang sweet ng mokong. Anu kayang plano nito? Hmmm.sa isip-isip ni Katrina. Ang sarap talagang balikan ng nakaraan no?

Sunod nilang tinungo ang simbahan, pangatlong beses nilang pagkikita. Dun na sila unang nagkausap. Nagkakwentuhan. Nagkuhanan ng cellphone numbers. At nagsilbing hudyat ng pagmamahalan nila.

Hindi na nya kailangang mag-isip ng matagal para mahulaan ang sunod nilang pupuntahan. Isang restaurant. Unang date nila. Pangalawa. Pangatlo. At sunud-sunod pa. Pinakapaborito nyang lugar ito. At dun nga sya dinala ni Angelo.

Inalalayan sya nito sa pagbaba nya ng sasakyan. At tinungo nila ang paboritong spot nya doon, na may nakalagay na maliit na karatulang “reserved”. For sure e para sa kanila yun.

Inihanda nito ang pag-upo nya. Nakakatuwang isiping hanggang ngayon eh may mga gentlemen pa rin (tulad ng author).

“Order ka na.” utos ni Angelo sa kanya.

“May problema ba?” sagot nya, sa halip na umorder sya.

“Wa-wala naman. Order ka na.”

“Usual order ako.”

“Waiter!”

Habang naghihintay. . .

“Magpaliwanag ka nga. Anong ibig sabihin nito?” matigas na tanung ni Katrina.

“Hindi ko alam.”

“Anong hindi ko alam?”

“Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Kahit ako eh gulung-gulo na rin.” Sagot ni Angelo.

“Mahal mo pa ba ako?”

Matagal bago samagot si Angelo. “Oo.”

“Anong gusto mong mangyari satin?” kinakabahang tanung ni Katrina. Ayaw man nyang marinig, pero sigurado syang yung ang lalabas sa mga bibig ni Angelo.

“Makikipagbreak sana ako sayo.”

“Yun ba ang gusto mo.” Tanung ni Katrina. “O, sige.”

“So, aalis na ba ako? Salamat sa pag-aaya.”

“Kumain ka na muna.”

“Okay.” Napaka-kaswal nya. Ayaw nyang ipakitang mahina sya.

Pagkatapos nilang kumain…

“Sige. Ihahatid na kita.” Pag-aaya ni Angelo.

“Sigurado ka na ba?”

“Saan?”

“Sabi mo mahal mo pa in ako. Pero nakikipag-break ka. Ayos ka rin, tol.”

Tahimik lang si Angelo.

“Kapag iniwan mo ako ngayon, wala ka ng babalikan.” Pagbabanta ni Katrina.

“I don’t know. Basta ang alam ko, love never surrenders. But people do. Please always remember that. And me, if you can.”

“Okay. Gusto ko nang umuwi.” Sagot nya. Nais sana nyang idugtong, para hindi na ako nahihirapang pigilin ang sakit at luha.

Pagdating niya sa bahay, unang nakita nya si Fefe.

“Tita, hindi ako makatulog. Kwentuhan mo let ako. Fairy tale let.”

“Gabi na masyado. Tsaka, pagod na ako.”

“Please tita.”

“WALA NG KWENTO! WALA NG FAIRY TALE!” kahit si Katrina ay nagulat sa pagtataas nya ng boses sa pamangkin. At napaluha sya. “Sorry. Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses.”

Sa halip na umalis ay nanatili lamang nakatayo si Fefe at nagtanung, “May problema po ba tita?”

Napaluha lalo si Katrina.

“Tahan na po kayo tita.” Napaluha na rin si Fefe.

“Eto ang tandaan mo. Hindi ako bida sa isang fairy tale… Para maging masaya habang buhay..”

At nagyakap ang mag-tita.

Older Entries

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.